Inaasahan ang malakas na pag-ulan sa bansa

May bagong bagyo nanaman na may dalang malakas na hangin at ang karamihan sa lugar sa bansa ay makararanas ng malakas na pag-ulan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

 

&nbspInaasahan ang malakas na pag-ulan sa bansa

Ang mga weather officials sa Japan ay nag-sabi nabmakararanas ng malakas na pag-ulan ang karamihang parte sa bansa, kabilang ang mga lugar na tinamaan ng bagyong Hagibis nito lamang buwan.

Sa Muroto City sa Kochi Prefecture sa western Japan, halos 33 millimeters ng ulan ang bumuhos ilang oras bago sumapit ang hapon nitong Huwebes.

Makararanas pa ng mas maraming pag-ulan ang western at eastern part ng bansa at maaaring magkaroon ng pagba-baha.

Ang pag-ulan sa loob ng 24 oras hanggang Biyernes sa Shikoku Region sa western Japan ay maaaring umabot sa 300 millimeters. At 250 millimeters naman sa Tokai, Central Japan.

Aabot hanggang 200 millimeters ang na forecast sa pag-ulan ng 24 oras mula umaga ng Sabado sa Rehiyon ng Kanto kabilang ang Tokyo at aabot ng 150 millimeters naman sa Tohoku in northeastern Japan.

Sinabi ng Japan Meteorological Agency na ang bagyong Bualoi ay may dalang malalakas na hangin sa isla ng Ogasawara.

Ang malakas na bagyo ay sumusulong pa-hilaga na may bilis na 25km p/h malapit sa mga isla sa Pasipiko ng ala-1 ng hapon nitong Huwebes.

Ang bugso ng hangin ay umaabot ng 190km p/h ay napamasdan sa Chichiima Island, isa sa mga isla sa Ogasawara bandang alas-9:20 ng umaga.

Pinayuhan ng ahensya na maging alerto ang mga tao sa malalakas na hangin at alon ng tubig.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund