CHIBA- inaresto ng mga awtoridad mula sa Tateyama, Chiba Prefecture ang 51 anyos na lalaki at 40 anyos na ginang sa suspisyon sa pag-patay sa kanilang 3 taong gulang na anak na babae.
Ayon sa mga pulis, ang tatay ma si Kazuhiro Hayama (51), na nag-tatrabaho bilang security guard ang tumawag sa 110 bandang alas-3:00 ng madaling araw at nag-sabi na sinakal niya ang kanyang anak na babae, ayon sa ulat ng Fuji T.V. Agad naman rumesponde sa lugar ang mga pulis at duon nila natagpuan ang walay buhay na katawan ng bata na kinilalang si Yui Hayama.
Inaresto rin ng mga pulis ang nanay ni Yui na si Yuuko. Sinabi ng pulis na hinawakan nito ang paa ng anak habang sinasakal ito ng kanyang ama nuong madaling araw ng Martes. Sinabi ng mga pulis na sinabi ng mag-asawa na pagkatapos nilang patayin ang kanilang anak ay kikitilin na rin nila ang kanilang buhay, dahil sila ay nalulubog sa utang. Ngunit hindi nila makuhang tapusin ang sariling buhay.
Ayon sa mga pulis, ang pamilya ay naninirahan sa Kimitsu, Chiba Prefecture. Ang bahay kung saan pinatau ang bata ay pagmamay-ari ng magulang ni Hayama at ito ay palaging bakante.
Source: Japan Today
Join the Conversation