Nanawagan ang gobyerno ng Japan sa mga dayuhang estudyante at trainee na gumamit ng mga smartphone app at iba pang paraan upang maging updated sa paparating na bagyo.
HIniling ni Justice Minister Katsuyuki Kawai sa isang news conference noong Huwebes na na bigyang-pansin ang impormasyon sa panahon habang ang Bagyong Hagibis ay malapit sa mainland Japan.
Sinabi rin ni Kawai na hinihikayat ng ministeryo ang mga ito sa pamamagitan ng mga lokal na pamahalaan at iba pang mga awtoridad na gamitin ang multi-language disaster app ng Japan Tourism Agency upang makakuha ng impormasyon.
Idinagdag niya na ang ministeryo at ang Immigration Services Agency ay magkakaloob din ng impormasyon laban sa kalamidad sa kanilang mga website at sa pamamagitan ng social media.
Sinabi ni Kawai na dahil maraming mga dayuhang mamamayan ang nananatili sa Japan, mahalagang magbigay sa kanila ng impormasyon sa bagyo at ang mga posibleng epekto nito sa lalong madaling panahon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation