TOKYO
Ang death toll mula sa Bagyong Hagibis na nagdulot ng napakalaking pagbaha sa Japan ay umabot na sa 80 noong Linggo habang nagpapatuloy ang mga operasyon sa search and rescue.
Sampung tao ang nanatiling nawawala, ayon sa isang source ng Kyodo News, matapos ang pagbaha at mudslide na sumira sa malawak na mga lugar ng gitna, silangan at hilagang-silangan ng Japan.
Ayon sa Fire and Disaster Management Agency, ang bilang ng mga bahay na nabaha o nasira ng bagyo ay nasa 56,753, na lumampas sa halos 51,000 noong nakaraang taon ng magkaroon ng malakas na ulan sa kanlurang Japan na pumatay sa 200.
Hanggang ngayon Linggo, humigit-kumulang 4,000 katao pa din ang nananatili sa mga evacuation shelters at mahigit sa 78,000 na mga tahanan ang walang supply ng tubig, sinabi ng gobyerno.
© KYODO
Join the Conversation