Matapos lumikha ng isang buzz sa Kyushu ng pinaka unang alcoholic drink, umaasa ang pangkat ng Coca-Cola na mapanatili ang magandang resulta sa buong Japan, simula noong Oktubre 28 naging available na ang de-latang “chuhai” sa mga tindahan nationwide..
Nagsimulang mag venture ang Coca-Cola na gumawa ng inumin na may base na shochu at nag release sila ng Lemondo sa Kyushu noong Mayo ng nakaraang taon.
Gayunpaman, nananatiling pa din ang mahigpit na kumpetisyon sa chuhai dahil sa mga tanyag na makers tulad ng Georgia, Sokenbicha at iba pang inumin na unang nag release ng mga chuhai.
Ang Lemondo ay may mataas na nilalaman ng lemon juice, sa pagitan ng 7 at 17 porsyento. Mayroong apat na uri, kabilang ang “regular na lemon” at “honey lemon,” bawat isa ay may iba’t ibang nilalaman na percentage ng alkohol.
Ang 350-milliliter ay maaaring ibenta sa inirekumendang presyo na 150 yen ($ 1.37), hindi kasama ang mga buwis.
Pinili ng pangkat ng Coca-Cola ang Kyushu bilang pagsubok sa merkado dahil ang mga residente doon ay mahilug uminom ng maraming mga shochu, Plano ng Coca-Cola na ipakilala ang Lemondo sa buong bansa kung ang produkto ay tanggap nang mabuti sa lugar na kung saan sikat ang shochu.
Nauna nang inilunsad ng Coca-Cola ang eksklusibong paunang pagbebenta ng brand ng kape nitong Georgia, gayundin ang brand ng tsaa na Sokenbicha at fruit juice brand na Qoo sa Kyushu.
“Malugod na tinatanggap ng mga tao sa Kyushu ang mga bagong produkto,” sabi ng opisyal ng relasyon sa publiko.
Ngayon, ang kumpanya ay may mataas na pag-asa para sa Lemondo na ibenta nang maayos sa ibang mga lugar maliban sa Kyushu.
Source: Asahi Shimbun
Join the Conversation