Ang outdoor swim ng Tokyo 2020 Olympics ay maaaring mag-simula ng maaga

Triathlon at open water swimming event maaaring maging mapaaga dahil sa kondisyon ng panahon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAng outdoor swim ng Tokyo 2020 Olympics ay maaaring mag-simula ng maaga

Ang Olympic Committee ay maaaring konsiderahin na umpisahan ang triathlon at ang open water swimming event ng mas maaga kaysa sa naunang plano sa 2020 Tokyo Summer Games.

Inanunsyo ng IOC na plano nitong ilipat ang marathon at race walking events sa Sapporo dahil sa inaasahang matinding init sa Tokyo.

Tinitignan rin ng IOC na simulan ng isa o dalawang oras na mas maaga ang triathlon at open water swimming. Sinuri na ang oras mula sa naunang plano, maaaring simulan ang event ng alas-7:00 o alas-7:30 ng umaga.

Matapos ang test events na isinagawa sa triathlon venue sa Tokyo nito Agosto, nag-reklamo ang mga atleta nang poor water qualities at high water temperatures.

Ang Coordination Commission ng IOC ay pqg-uusapan ang hakbang laban sa init sa isang espesyal na session ngayong ika-30 ng Oktubre.

Ayon sa mga sources na nakaka-alam ukol sa usapin ang nag-sabi na maaaring mailipat ang lugar ng triathlon kung ang problema ukol sa temperatura ng tubig at kwalidad nito ay hindi mareresolba.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund