Ang kinakatawan ng Japan labor ay isusuong ang pag-taas ng minimum na sahod kada oras ng isang manggagawa sa susunod na taon.

Minimum na sahod kada oras maaaring mag-taas sa susunod na taon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang pinaka-malaking labor organization ng Japan ay isusulong ang pag-taas ng karaniwang sahod kada oras at taunang negosasyon sa mga employers sa susunod na taon alin sunod sa hakbang upang mapunan ang narrow wage gap, ayon sa isang source nuong Miyerkules.

Ang Japanese Trade Union Confederation o mas kilala sa tawag na Rengo, ay hihilingin na gawing ¥1,100 ang minimum na sahod kada oras ng isang manggagawa, kumpara sa kasalukuyang natatanggap na ¥901 sa buong bansa.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang Rengo na mag-talaga ng numerical goal para sa minimum na sahod kada oras sa taunang pag-titipon na pinaplanong mangyari bandang Pebrero. Ang executive committee ay aaprubahan ang nasabing policy sa Huwebes, ayon sa source.

Hihilingin rin ng Rengo na magkaroon ng pagtaas ng mga 2 porsyento sa pay-scale sa lahat ng industriya sa ikalimang taon nito, bilang karagdagan sa regular wage hike base sa nakararami, dagdag pa ng source.

Sa negosasyon para sa taong ito, sumang-ayon ang Rengo sa 2.07 porsyento na pag-taas sa pay-scale plus regular na sahod.

Ang malaking pagkakaiba sa sahod, sa pagitan ng regular at hindi regular na manggagawa, at sa pagitan ng maliit at malaking firms, ang nag-tulak sa mga tao na lisanin ang probinsya at makipag-sapalaran sa siyudad na naging sanhi sa kakulangan ng manggagawa sa lokal na ekonomiya.

Ang pamamahala sa gobyerno ng Punong Ministro na si Shinzo Abe ay nag-sasabi na layunin nitong i-address ang regional gaps sa karaniwang sahod at sikaping maabot ang ¥1,000 na average na sahod kada oras.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund