Nag-babala ang Meteorological Agency ng Japan na posibleng magkaroon ng mga pag-talsik ng mga bato at pag- agas ng pyroclastic o lahar sa Kuchinoerabu Island sa southwestern Japan dahil may nakitang volcanic activity sa nasabing lugar.
Base sa scale of 5 itinaas ng ahensya ang volcanic alert sa isla sa Kagoshima Prefecture mula sa alert 2 pataas sa alert 3 nitong umaga ng Lunes.
Ito ay nangyari isang araw matapos matamaan ng malakas lindol ang lugar na nag-simula sa bunganga ng bulkan ng Mt. Shindake na nasa isla. Isa pang malakas na lindol ang naranaasan sa lugar nitong buwan lamang.
Pinapayuhan ng mga opisyal ang mga tao na huwag lumapit sa higit na 2 kilometers radius ng bunganga ng naturang bundok at maging alerto sa mga nagliliparang malaking bato at lahar na umaagos dito.
Pinag-iingat rin nila ang mga tao sa lahar/ lava na dumadaloy sa lugar sa pagitan ng Mukaehama district at southwest ng Mount Shindake.
Nuong taong 2015, isang malakas na pag-putok ng bulkan ang nangyari sa Kuchinoerabu at ilang pag-agos ng lahar na umabot sa pampang. Lahat ng residente ay pansamantalang nilisan ang isla matapos itaas sa level 5 ang alerto ng bulkan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation