NARA
Sinabi ng pulisya ng Nara prefectural noong Sabado, na inaresto nila ang 7 na Vietnamese nationals dahil sa pagnanakaw ng mga health suppliments at mga cosmetic at pagkatapos ay ibinebenta ang mga ito sa Vietnam.
Ayon sa pulisya, ang gang, na pinamunuan ng isang 37-taong-gulang na lalaki, na nagsho-shoplift ng mga items mula sa mga drugstores at mga aports store na hindi bababa sa 18 na prefecture sa 247 na okasyon sa pagitan ng Enero 2015 at Pebrero ng taong ito, iniulat ng Sankei Shimbun. Ang kabuuang halaga ng mga ninakaw na produkto ay tinatayang nasa 24.5 milyong yen, sinabi ng pulisya.
Sinabi ng pulisya na ang pitong mga suspek ay nakarating sa Japan bilang exchange student o bilang bahagi ng isang training program para sa mga dayuhang manggagawa.
Sinabi ng pulisya na iniimbestigahan nila ang pamamaraan kung saan nabibili ang mga ninakaw na item sa Vietnam.
© Japan Today
Join the Conversation