TOKYO- ang gobyerno ng Japan ay planong mag-grant ng pardon sa mahigit 600,000 na mga petty criminals upang markahan ang seremonya sa pag-baba sa trono ni Emperor Naruhito sa ika-22 ng Oktubre, ayon sa ulat ng The Mainichi Shimbun nuong Miyerkules.
Ang pag-papalaya sa mga ito ay mag-aalis ng restriksyon sa kanilang legal rights, ayon sa peryodiko. Sa Japan, ang mga taong na convict at na sentensyahan ay hindi maaaring maka-kuha ng lisensya ng doktor at nurse sa loob ng 5 taon.
Kung itatanong tungkol sa plano ukol sa amnestiya ang gobyerno, sinabi ng Japanese Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga sa mga reporter, “Ito qy kasalukuyan naming pinag-iisipan ng mabuti. Iniiwasan ko nang mag-bigay pa ng komento sa mga detalye.”
Nuong nagkaroon ng enthronement ceremony nuong taong 1990 para sa dating Emperor Akihito, 2.5 milyong katao ang pinalaya. Nuong Abril, si Akihita ang kauna-unahang Japanese Monarch na nag-abdicate sa loob ng 2 siglo.
Source: Japan Today
Join the Conversation