Share
NAGOYA- 7 kotse ang nagkarambola matapos mag-salpukan sa isang expressway sa central Japan, prepektura ng Aichi nuong umaga ng Martes. Tinalang 15 katao ang nag-tamo ng pinsala at 3 kotse ang umapoy, ayon sa mga lokal na awtoridad at mga rescuers.
Wala naman ang nasaktan ng malubha sa mga biktima mula insidente ngunit ito ay naging sangi ng malaking abala sa nasabing lugar.
Isang truck ang bumangga sa isang sasakyan dahil sa traffic sa kahabaan ng westbound lane ng Isewangan Expressway malapit sa lungsod ng Yatomi kung saan limang sasakyan pa ang nagkabungguan.
At dahil dito, isang parte ng Expressway ay isinara.
Source: Japan Today
Image: The Mainichi
Join the Conversation