Nagpapatuloy pa din ang sobrang init na panahon sa Japan lalo na noong Martes na may temperatura na umabot sa 37 degree Celsius sa ilang mga lugar.
Sinabi ng mga opisyal ng weather agency na ang Bagyong Faxai ay nagdala ng mainit na hangin at pagkatapos ay ang malakas na sikat ng araw kaya’t biglang tumaas ang temperatura.
Ang mga pang-araw na highs ay tumaas sa 37.6 degree sa Tajimi City sa Gifu Prefecture, gitnang Japan, 37 degree sa Maebashi City sa Gunma Prefecture, hilaga ng Tokyo, at Okazaki City sa Aichi Prefecture, gitnang Japan. Ang mga temperatura ay tumama sa 36.2 degree sa Kyoto City, kanlurang Japan. Ang mercury ay tumaas sa 35.6 degree sa gitnang Tokyo at Kamaishi City sa Iwate Prefecture, hilagang Japan.
Ang mga temperatura ay lumampas sa 35 degree sa 79 na observation stations sa buong bansa.
Ito ang unang pagkakataon sa 27 taon na ang temperatura ay lumampas sa 35 degree para sa dalawang staight na araw sa gitnang Tokyo noong Setyembre.
Nanawagan ang mga opisyal na mag-ingat pa din sa heat stroke tulad ng madalas na pag inom ng tubig, healthy diet at tamang oras ng pagtulog.
Source: NHK World
Join the Conversation