SAITAMA (TR) – inaresto ng Saitama Prefectural Police ang isang 36 anyos na ginang sa kasong pag-saksak umano nito sa kanyang 2 batang anak sa kanilang tahanan sa bayan ng Matsubushi, mula sa ulat ng Sankei Shimbun (Sept. 6)
Bandang alas-7:30 ng umaga nuong ika-6 ng Septyembre, si Junna Fukazawa, walang trabaho, ay sinaksak umano ang kanyang mga anak gamit ang isang kutsilyo. Ang mga bata ay nag-eedad lamang ng 3 at 4 na taong gulang.
Ayon sa mga pulis, ang mga bata ay agad na dinala sa pagamutan kung saan idineklara na hindi naman delikado ang lagay ng mga bata.
Si Fukuzawa, na inakusahan ng attempted murder ay umamin sa kanyang pagkaka-sala. “Dumating sa punto na ayoko nang mabuhay,” ani nito sa mga pulis. “Akala ko hindi ko na mabibigyan ng maayos na buhay ang mga anak ko.”
Ayon sa mga pulis, ang insidente ay nangyari matapos umalis ang kanyang asawa (36 anyos din) patungo sa trabaho. Kalaunan, tumawag ng pulis ang biyenan ng babae nang ito ay pumunta duon upang dalhin sa day care ang mga bata.
Ang 3 taong gulang na batang babae ay nakitang bumababa ng hagdanan na punong-puno ng dugo ang katawan. Habang ang isang bata naman ay nag-collapse sa loob ng isang kwarto sa ikalawang palapag.
Si Fukuzawa na puno rin ng dugo ang katawan ay natagpuan sa isa pang kwarto sa ikalawang palapag. Sinabi ng pulis na wala naman itong pinsala sa katawan.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation