Papalitan ng Banko ng Japan ang mga perang ipinadala para sa “Tulong”

Sinabi ng Gobernador na nais niyang ipahayag ang kanyang pasasalamat sa kung sino man ang nag-padala ng pera sa kanilang lugar.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Dumating sa opisina ng Gobyerno ng Prepektura ng Ehime nuong Enero 29, ang mga basang pera.

EHIME (TR) – papalitan ng Banko ng Japan ang isang napaka-laking halaga ng mga sirang pera na dumating sa government office na may nakalakip na sulat na nag-sasabing ito ay isang “Tulong” para sa bagong currency, pahayag ng Ehime Prefectural Government nuong Huwebes mula sa ulat ng Fuji News Network (Aug. 29).

Nuong ika-29 ng Enero, isang karton na naka-address sa Gobernador ng prepektura ang dumating sa kanilang opisina. Ang karton ay puno ng bigkis bigkis na tig-iisang lapad na pera, na basa at nabalutan ng lumot. Isang sulat rin ang nakitang nakalakip sa nasabing karton ng pera na may naka-saad na “Sana maka-tulong sa ano mang paraan.”

Matapos ang isang masuring eksaminasyon, ang Banko ng Japan ay nag-sabi na papalitan nila ang pera na nagkaka-halaga ng 166 milyon yen. Ibabalik rin ng banko ang face value ng 10,619 ng mga pera na natagpuan na mayroong bilang na hindi bababa sa 67 percent mula sa kabuoan.

Samantalang, ang half value (¥5,000) ay sumasa-total na 84 piraso na naisalba sa halos 40 hanggang 80 porsyentong mula sa kabuoan. Mayroong 19 piraso naman ang wala ng halaga at hindi na mapapalitan dahil halos sira na ito.

Dahil ang mga perang ipinadala ay walang hologram upang maiwasan ang peke, suspetsa ng gobyerno na ito ay ginawa bago sumapit ang taong 2004. Ang pangalan at address nang nagpa-dala ay kalaunang ibinunyag na hindi totoo, ani ng gobyerno kamakailan lamang.

“Nais kung ipahatid ang taos pusong pasasalamat sa kabutihang loob nang kung sino mang nag-bigay nito.” ani ni Tokihiro Nakamura, Gobernador ng Prepektura.

Sabi ng gobyerno, ang pera ay gagamitin para sa recovery efforts mula sa natural na kalamidad at pondo para sa mga kabataan sa nasabing prepektura.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund