Ang Japan ay muling mag-tataas ng consumption tax ng 10 porsyento mula 8 porsyeto sa darating na buwan ng Oktubre, ngunit hindi lahat ng produkto ay maaapektuhan sa nasabing pag-taas. Ito ay nag-sasanhi ng problema sa mga maliliit na negosyo tungkol sa dual tax rates sa cash register. Ang technology company NTT Data ay mayroong naisip na ideya upang maiwasan ang nasabing problema at ito ay ang pag-tanggal sa mga cash register sa mga tindahan.
Nag-bukas ng isang experimental store sa Tokyo ang NTT Data upang masubukan ang nasabing sistema.
Ang mga mamimili ay ipapasok ang kanilang QR code sa isang scanning device mula sa kanilang mobile phone sa pasukan ng tindahan . May mga sensors at camera na makaka-track kung ano man ang inalis o tinanggal ng mga mamimili sa shelves ng tindahan at ito ay automatikong magbi-bill sa kanilang telepono. Kapag lumabas na ang kostumer sa tindahan ang mga kinuhang items ay awtomatikong macha-charge sa kanilang phone.
Sinabi rin ng kumpanya na ang nasabing teknolohiya ay nag-ooffer ng labor saving benefit dahil ang lahat ng transaksyon ay ginagawa sa pamamagitan ng telepono ng mamimili.
Plano ng NTT Data na magsa-gawa ng ilan pang mga pag-tetest sa mga convenience stores at supermarkets. Ang target nila ay mailagay ang sistemang ito sa mahihit 1,000 store sa Marso 2023.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation