Nagsa-gawa ng disaster drill gamit ang mga simpleng salita ng hapon

Gamit ang simple Japanese instructions, nagsa gawa ng disaster drill para sa mga dayuhang turista ang lungsod ng Hirosaki sa Aomori Prefecture.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang pagsasanay ay base sa isang senaryo na nagkaroon umano ng lindol na may lakas na mahigit intensity 6 base sa japanese scale na 0 hanggang 7.

Isang notipikasyon ng pag-likas ang isinagawa gamit ang simple Japanese para sa mga Vietnamese trainees na gumanap bilang mga dayuhang turista.

Isang mensahe sa big screen ang nag-sabi sa mga dayuhan na protektahan ang sarili laban sa malalakas na pag-yanig.

Gamit ang hand gestures ipinapaliwanag ng mga taong malapit sa mga trainees ang paraan upang maprotektahan ang kanilang mga ulo.

Ipinakita ng isang manggagawa sa lungsod na may dalang karatula na nag-sasabing “Sundan niyo ako.” ang isang escape route.

Ang 28 anyos na lalaking Vietnamese ang nag-sabi na kakaunti lamang ang kanyang eksperyiensa sa lindol sa kanilang bansa, ngunit sinabi nito na napaka-daling maintindihan ang mga instruksyon na ibinigay dun sa pagsasanay.

Source: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund