Isang US health official ang nag-sabi na dapat iwasan ng mga tao ang pag-gamit ng e-cigarettes habang inaalam pa ang mga sanhi ng mga karamdaman sa baga na may posibleng kaugnayan sa pagve-vape.
Ang Principal Deputy Director ng Center for Disease Control and Prevention na si Anne Schuchat ang tumestigo sa isang congressional subcommittee nuong Martes.
Ayon sa CDC halos 530 kaso ng sakit sa baga ang nag-uugnay dahil umano sa pag-gamit ng e-cigarettes at vaping. Sinabi rin dito na 9 na ang nai-ulat na pumanaw dahil dito.
Sinabi ni Schuchat na parami ng parami ang nakikitang kaso ng CDC sa araw araw at hindi malabong aasahan nila ang mas malaking bilang nito sa darating pang mga araw.
Dinagdag rin nito na kahit marami opisyal sa CDC ang nag iimbestiga, maaring matagal pa bago maka-kuha ng resulta.
Nitong buwan lamang, sinabi ng Trump administration na plano nitong i-ban ang pag-bebenta ng mga flavored e-cigarettes, na kasalukuyang papular sa mga kabataan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation