Ang transport ministry ng Japan ay mag-hihigpit ng pag-check ng seguridad sa lahat ng pasahero sa mga paliparan sa bansa bago pa man simulan ang mga major sports event sa bansa.
Ang Rugby World Cup ay mag-sisimula sa ika-20 ng Septyembre, at ang Tokyo Olympics at Paralympics na mag-sisimula sa susunod na summer.
Sa kasalukuyan, ang pre-boarding inspection sa mga domestic flight passengers ay kinabibilangan lamang ng pag-check sa mga carry-on luggages.
Ngunit simula nitong Biyernes, lahat ng domestic flight passengers ay kinakailangan na tanggalin ang kanilang mga jacket o coats para sa screening, na katulad rin sa mga ginagawa sa mga pasahero ng international flights. Kailangan rin na alisin ng mga ito ang kanilang mga sapatos na natatakpan ang talampakan para ito ay ma-check ng Xray.
Bilang karagdagan sa mga random body checks, isang bagong procedure ay ang pag-gamit ng isang eapesyal na papel upang ma-check kung mayroong traces ng explosives sa mga pasahero.
Ang opisyal ng ministeryo ay hinihikayat ang mga pasahero na dumating sa paliparan nang mas maaga, dahil ang ipinatutupad na pag-checheck ay medyo may katagalan ang proseso.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation