Mahigit sa kalahati milyong kabahayan at negosyo lalo na sa Chiba Prefecture, malapit sa Tokyo, ay nananatiling walang ilaw matapos manalanta ng bagyong Faxai.
Ang Tokyo Electric Power Company, o TEPCO, ay nagsabi na ang brown out ay patuloy pa din sa mga 575,000 na kabahayan at negosyo sa Chiba at iba pang mga prefecture sa rehiyon ng Kanto, at Shizuoka Prefecture, hanggang 6:30 p.m ng Martes.
Higit sa 540,000 ng mga kabahayan at negosyo ay nasa Chiba, kung saan ang bagyo ay malubhang nagsalanta ng mga pole ng utility at cable.
Sinabi ng TEPCO na mauunang maibabalik ang ilaw sa Ibaraki, Kanagawa at Shizuoka prefecture noong Martes, ngunit hindi sa Chiba.
Sinabi ng firm na pagta-trabahuan nila ng buong gabi upang subukang ibalik ang kapangyarihan sa Miyerkules. Idinagdag nito na nasa 1,400 na empleyado mula sa iba pang mga electric company ay tumutulong sa recovery ng ilaw.
Ang TEPCO ay nakikipagtulungan sa iba pang mga kumpanya upang makapalabas ng higit sa 250 na mga sasakyan o mobile electricity upang magbigay ng kuryente sa mga lugar na pangunahin sa Chiba.
Source: NHK World
Join the Conversation