Lalaking may HIV, binayaran dahil sa pinsala matapos na bawiin ang trabaho sa ospital

Lalaking may HIV, binayaran ng 1.65M yen dahil sa pinsala matapos na bawiin ang trabaho sa ospital

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaking may HIV, binayaran dahil sa pinsala matapos na bawiin ang trabaho sa ospital

SAPPORO
Ipinag-utos ng isang korte noong Martes na ang operator ng ospital sa hilagang Japan na magbayad ng 1.65 milyong yen dahil sa pinsala sa isang lalaking empleyado, matapos itong tumanggi na magtrabaho noong nakaraang taon dahil sa hindi pagdeklara ng kanyang impeksyon sa HIV.

Pinasiyahan ng Sapporo District Court ang lalaki na taga Hokkaido, sa kanyang 30s, na hindi kailangang ideklara ang impeksyon sa HIV, at ang desisyon ng social welfare corporation na nakabase sa lungsod ay ilegal.

“Ang peligro ng impeksyon (sa iba pa) ay marginal na maaaring  hindi na pansinin, at hindi na kailangan ng lalaki na iulat ang kanyang impeksyon,” sabi ni Presiding Judge Takaaki Muto.

Ayon sa demanda, hindi sinabi ng lalaki ang kanyang impeksiyon nang mag-apply para sa isang trabaho sa ospital noong Disyembre 2017 bilang isang social worker sa isang institusyong medikal simula Pebrero 2018.

Ngunit binawi ng ospital ang alok ng trabaho noong Enero noong nakaraang taon ng malaman ang kanyang impeksyon mula sa mga medical records.

Sinisi siya ng ospital sa di pagsabi ng totoo. Kaagad naman nagsumite ang lalaki ng isang pagsusuri dito na nagsasabing walang panganib sa kanya na nakakahawa sa mga katrabaho, ngunit di pa rin sya pinayagan na ituloy ang trabaho.

Sa pag-uutos ng ospital na ilegal na alamin ang mga medical records ng lalaki, sinabi ni Muto na ang institusyon “ay mananagot para sa pagsuporta sa diskriminasyon at pagtatangi laban sa mga nahawaan ng HIV.”

Nag demanda ang lalaki ng 3.3 milyong yen dahil sa pinsala pinsala, sinasabi na hindi na kailangang iulat ang kanyang impeksyon at mali na hindi niya ituloy ang trabaho at siya ay umiinom ng gamot sa tamang oras at ito ay iniaalis panganib na makahawa sa iba.

Ang mga patnubay ng estado sa Japan ay nagbabawal sa diskriminasyong sa trabaho batay sa impeksyon sa HIV.

Source: Japan Today

Image: Kyodo News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund