TOKYO
Isang lalaki na may dalang isang laruang baril ang nagnakaw sa isang convenience store sa Suginami Ward ng Tokyo noong Linggo ng umaga. Naniniwala ang pulisya na ang parehong lalaki ay nagnakaw ng dalawang iba pang mga tindahan nang mas maagang oras noong araw ding yon.
Ayon sa pulisya, ang lalaki, na nakasuot ng isang asul na business suits at sunglass, ay pumasok sa isang tindahan ng FamilyMart bandang alas-4 ng umaga at tinutukan ang clerk ng baril, iniulat ng Fuji TV. Sinabi niya sa klerk na ito ay isang Walther P38. Gayunpaman, matapos suriin ang footage ng surveillance camera ng tindahan, sinabi ng pulisya na tila ito ay isang toy gun lamang.
Hiningi niya sa lalaking klerk na ubusin ang laman ng cash register. Kinuha nys ang 100,000 yen at tumakas sakay ng isang bisikleta.
Sinabi ng pulisya na limang minuto bago pa nito, nagnakaw din ang lalaki sa isa pang convenience store na may 200 metro ang layo. Siya ay pinaniniwalaan din na nagnakaw ng isang convenience store sa Nishi-Shinjuku bandang 12:30 a.m. Ang footage ng camera ng Surveillance ay nagpakita ng suspek na gumagamit ng parehong fake na baril sa pagnanakaw.
Walang namang naiulat na nasaktan sa tatlong pagnanakaw.
© Japan Today
Join the Conversation