Isang government survey ang nagpapa-kita ng bilang o numero ng mga centenarians sa Japan, at ito ay umabot pa ng 70,000 sa kauna-unahang pagkaka-taon. Taon taon nag-iiba ang bilang nito at ito ay tuloy tuloy sa loob ng 49 taon.
Ginamit ng health ministry ang datos ng mga residente upang pag-tugmain ang bilang ng taong nag-eedad ng 100 taong gulang o mas matanda pa hanggang ngayong ika-15 ng Septyembre.
Sinabi ng miniteryo na mayroong 71,274 na bilang ng mga centenarians. Ito ay higit ng 1,489 kumpara sa bilang nuong nakaraang taon.
Halos 88 porsyento rito ay kababaihan.
Sa mga prepektura, sa Shimane sa western Japan ang may pinaka- maraming centenarians, sa loob ng 100,000 katao halos 105.15 ang bilang. Sumunod ang Kochi na may bilang na 101.42 at sinundan ng Kagoshima na mayroong 100.87 na bilang.
Ang pinaka-matanda ay si Kane Tanaka na nag-eedad ng 116 taong gulang, na mula sa Fukuoka City, southwestern Japan.
Ang pinaka-matandang lalaki naman ay nag-eedad na 112 taong gulang na si Chitetsu Watanabe na taga-Joetsu, Niigata Prefecture.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation