TOKYO – isang dating empleyado ng isang security company ang pinaniniwalaang nag-nakaw ng 360 million yen mula sa isang branch office sa lungsod ng Misato, prepektura ng Saitama ang namataan sa Tokyo matapos gawin ang krimen, base sa mga pulis, mula sa ulat ng Fuji News Networks (Sept. 26)
Nuong ika-4 ng Septyembre, si Hiroki Ito, 28 anyos at nuo’y empleyado ng Asahi Security Co., ay kinuha umano ang pera sa kaha na nagkaka-halaga ng 360 million yen at inilagay sa loob ng isang cardboard box. At ito ay inilabas niya mula sa opisina.
Inilagay ng Saitama Prefectural Police ang suspek sa listahan ng nationwide wanted list sa kasong pagnanakaw limang araw matapos ang krimen.
Sa pinaka bagong development, ipinakita sa isang security camera si Ito na mayroong dalang 2 maleta habang naka-back pack sa loob ng isa lobby ng hotel sa Chuo Ward sa Tokyo nuong ika-5 ng Septyembre.
Pinaniniwalaan ng mga pulis na ang suspek na si Ito ay gumagamit ng JR Yamanote Line , na umiikot sa loob ng kapitolyo, habang nagtatago.
2 araw na hindi pumasok sa trabaho si Ito matapos ang krimen. Isa pang empleyado ang kalauna’y naka-pansin na ang pera ay nawawala. Agad na ipina-alam ng kumpanya ang insidente sa mga awtoridad at agad na tinanggal sa kanyang trabaho si Ito.
Kung sino man ang may alam o nais ibahaging impormasyon ukol sa kaso, mangyari lamang na agad na makipag-ugnayan sa Yoshikawa Police Station at tumawag sa kanilang himpilan 048-959-0110.
Source and Image: Tokyo Reporter
Join the Conversation