OSAKA- sinabi ng Kintetsu Railway Co nuong linggo na ito ay mag-ooperate ng espesyal na tren na mag-bibigay ng serbisyong all you can drink beer mula sa istasyon malapit sa Hanazono Rugby Stadium matapos ang unang match ng 2019 Rugby World Cup sa stadium.
Pinag-silbihan ng naturang railway company ang tinatantyang 50 costumers ng mga Heineken beer kabilang ang mga miyembro ng team ng kumpanya na Kintetsu Liner. Ang naturang inumin ang opisyal na sponsor sa tournament.
Ang three car train ay umandar ng mahigit na 2 oras mula Higashi Hanazono Station hanggang Osaka Uehonmachi Station matapos ang pagtatagpo at labanan sa pagitan ng Italy at Namibia.
“Excited ako na suportahan ang Italy. Hindi ko na nabilang kung ilang beer ang aking nainom habang nanunuod ng laban at sa loob ng tren,” sabi ni Mamoru Shimokawa 67 taong gulang isa sa mga kostumer sa tren.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation