Ang buhay para sa maraming tao sa Chiba Prefecture, sa silangan ng Tokyo, ay lumala dahil ang bagyo ay nagdulot ng napakalaking pinsala sa kuryente isang linggo na ang nakalilipas.
Ang bagyong Faxai ay nanalanta sa malawak na lugar sa Tokyo mula Setyembre 8 hanggang Setyembre 9, na naka-apekto sa 640,000 na mga tahanan sa prefecture na nawalan ng kuryente.
Sinabi ng Tokyo Electric Power Company na aabutin hanggang Setyembre 27 upang maibalik ang kuryente sa ilang 20 munisipyo.
Nasa 20,000 na mga bahay sa prefecture ang nawalan ng tubig noong Linggo. Ang mga pampublikong sistema ng anunsyo, pati na rin ang mga komunikasyon sa telepono at online, ay nananatiling hindi magamit sa ilang mga lugar.
Sinimulan ng mga lokal na opisyal ang mga pagsusuri sa kalusugan para sa mga matatandang residente na nabubuhay ng walang kuryente.
Malaki ang epekto sa buhay ng mga tao ang pagkawala ng kuryente sa blackout na nanganap sa karamihan ng prefecture.
Nahaharap din ang mga awtoridad sa hamon ng pagtukoy kung anong mga uri ng tulong ang dapat nilang ialok para sa pangmatagalang panahon.
Ang pasensya ng mga tao ay dumating na sa limitasyon sa ilang mga lugar, kabilang ang Kawaguchi district sa Minamiboso City. Nasira ng bagyo ang halos 90 porsyento ng mga tahanan sa distrito.
Naubos na ng distrito ang isang emergency stockpile ng tubig. Mga 60 porsyento ng populasyon nito ay may edad na, at marami sa kanila ang nahihirapan sa pagkuha ng mga relief supplies mula sa labas ng kanilang mga komunidad.
Ang ilang mga residente ay nagsabi na hiniling nila ang mga awtoridad sa lungsod para sa mga supply at boluntaryo na manggagawa, ngunit sinabi na hindi nila ito natanggap.
Source: NHK World
Join the Conversation