Ilang pharmaceutical companies sa Japan ay nag-hahanda upang mas doblehin ang produksyon at shipment ng mga bakuna para sa Swine Fever.
Ang nasabing hakbang ay alinsunod sa napag desisyonan ng agriculture ministry na planong bakunahan ang mga baboy matapos mapag-alaman na nahawaan ng virus ang isang babuyan dito sa Japan ngayong buwan.
Ang Matsuken Pharmaceutical Industry sa Tokyo ay nagmamanufacture ng bakuna para sa Swine Fever.
Sinabi ng isang company official na kinausap raw sila ng agriculture ministry nuong nakaraang linggo na dagdagan ang kanilang produksyon.
Ang firm ay naghahanda na gumawa ng bakuna para sa mahigit 2 bilyong baboy. Pinaplano rin nila ang agarang pagpapadala ng mga ito.
Napag-alaman na nagkaroon ng Swine Fever ang ilang babuyan sa prepektura ng Saitama na malapit sa Tokyo at Nagano nitong buwan lamang.
Nuong una ay nagkaroon ng alinlangan ang mga opisyal ng Agriculture Ministry na isulong ang bakuna dahil sa takot sa impact ng pag distribute at pag export nito. Sa kasalukuyan, ito ay ipapag-patuloy na nila upang ma-control ang pagkalat ng nasabing karamdam.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation