Share
SENDAI- isang 32 anyos na babae, walang trabaho ang inaresto matapos niyang tutukan ng kutsilyo ang isang police officer sa loob ng police box sa Sendai, Miyagi Prefecture.
Ayon sa pulis, ang insidente ay nangyari bandang alas- 5:25 ng hapon nitong Sabado lamang sa isang Police Box sa Aoba Ward,mula sa ulat ng Fuji TV. Sinabi ng pulis nang pumasok ang babae na kinilalang si Maki Aizawa, may dala itong kutsilyo na naka-balot sa tuwalya. Siya ay agad na nahawakan ng pulis at wala namang napinsala sa nasabing insidente.
Sinabi rin ng pulis na may sinasabi ang ginang habang ito ay papalapit sa kanya at narinig niyang nais nitong maaresto.
Source: Japan Today
Image: Photo Bank
Join the Conversation