Isa sa bawat 3 bata ay nabu-bully online

Nananawagan ang UNICEF sa mga helpline upang bigyan ng suporta ang mga kabataan at sanayin ang mga guro at mga magulang upang talakayin ang lumalaking online problem.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsa sa bawat 3 bata ay nabu-bully online

Napag-alaman ng isang poll ng UNICEF na isa sa bawat tatlong bata sa 30 bansa ang nakararanas ng online bullying.

Ang UN agency ay nag-poll ng mahigit 170,000 katao na nag-eedad sa pagitan ng 13 hanggang 24 anyos at saka inilabas ang resulta nuong Miyerkules.

Sa mga respondents, halos 36 porsyento ang sumagot na sila ay naging biktima ng online bullying at 19 porsyento naman ang nag-sabi na sila ay hindi pumapasok sa paaralan dahil sa cyberbullying.

At saka, 71 porsyento na mga nabu-bully ang nag-sabi na ito ay nangyayari sa pamamagitan ng social networks, kabilang ang Facebook at Instagram.

Natala ng UNICEF na ang mga hamon sa resulta sa cyberbullying ay hindi limitado sa mga developed countries.

Sa sub- Saharan Africa, kabilang ang Nigeria at Mali, halos 34 porsyento sa mga nai-poll ang sumagot na sila ay naging biktima ng cyberbullying.

Nananawagan ang UNICEF sa mga establisyamento ng helpline upang suportahan ang mga kabataan at mga tao, ang mga pagsasanay sa mga guro at magulang upang maiwasan at rumesponde ukol sa cyberbullying uoang matigil na ang malaking online problem.

 

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund