Ipinagdiwang sa Fukuoka ang pagiging pinaka matanda sa buong mundo ng isang 116 taong gulang na ginang

Pinaka-matandang ginang sa buong mundo binigyan ng selebrasyon sa Fukuoka.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIpinagdiwang sa Fukuoka ang pagiging pinaka matanda sa buong mundo ng isang 116 taong gulang na ginang

Isang 116 taong gulang na haponesa ay binigyan ng pagdiriwang nuong Respect for the Aged Day sa Japan.

Si Kane Tanaka ay ipinanganak nuong 1903 at kasalukuyang naninirahan sa paalagaan ng mga matatanda sa lungsod ng Fukuoka, southwestern ng Japan.

Siya ay kinilala bilang pinaka-matandang babae ng Guinness World Records nuong buwan ng Marso.

Ang gobernador ng prepektura ng Fukuoka na si Hiroshi Ogawa ay binisita ang ginang nuong Lunes. Binati siya nito at nag-sabi na ang kahabaan niya ng buhay ay nag-bibigay pag-asa at kagalakan sa mga mamamayan ng Fukuoka.

Sinabi ng mga staff sa pasilidad na kumakain ng 3 beses sa isang araw si Tanaka at kumakain din ito ng tsokolate at umiinom ng soda araw-araw. Dagdag pa ng mga ito na masayang ginagawa ng ginang ang paminsan-minsang pag-sagot sa mga multiplication at division problems.

Sinabi ni Tanaka na siya ay nagpapa-salamat at inabot niya ang kanyang edad sa tulong ng mga tao, at ngayon mais niyang ibahagi sa mga taong nakapaligid sa kanyang ang kanyang enerhiya.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund