Nireject ng korte ng Japan ang claim na ang National System of Individual ID Number ay unconstitutional.
Nuong huwebes, dinis-miss ng Yokohama District Court ang kasong isinampa ng mahigit 230 na complainants. Sinabi nila sa gobyerno na huwag gamitin ang 12 digit number na ini-assign sa mga tao at burahin ang mga impormasyon mula sa kanilang database.
Ipinakilala ng Japan ang sistemang “My Number” nuong taong 2016. Ang naturang programa ay naka-link sa social security at tax payments.
Ang mga complainants ay nakipag- debate na ang nasabing sistema ay nilalabag ang pribadong karapatan na itinakda sa konstitusyon, sila umano ay nahaharap na may posibilidad na ang kanilang mga personal na datos ay mabunyag.
May iba pang mga kaparehong kaso ang ipinasa sa 7 pang korte sa buong bansa, kabilang ang Tokyo at Osaka.
Source: NHK World Japan
Image: Nippon.com
Join the Conversation