Pinag-sisikapan ng pamahalaan na mabawasan ang trapiko sa Tokyo sa oras ng commuting hours para sa paghahanda sa paparating na 2020 Tokyo Olympics.
Ang mga opisyal mula sa Tokyo Metropolitan Government, ang Central Government at ilang mga kumpanya ay nag-tutulong tulong upang paghapayin ang pag ko-commute at para himukin ang mga mamamayan sa pag-gamit ng telecommute.
Isang pag-tetest ang isinagawa nuong July 24, ang average na taong gumagamit ng 75 JR at Subway station sa mga oras na 8:00 hanggang 9:00 am ay nabawasan ng 3 porsyento kumpara nuong parehong petsa nuong nakaraang taon.
Ang Kasumigaseki Station sa Central Tokyo ang nakitaan ng pinaka malaking pag babawas sa mga commuter traffic sa 22 porsyento, kasunod dito ay ang mg istasyon ng Hamamatsucho at Tochomae na may 12 porsyentong pagka-bawas.
Inaasahan ng Tokyo metropolitan area na magkakaroon ng karagdagang 10 porsyento ang itaas ng mga byahero sa kasagsagan ng Olympics.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation