Sinabi ng Imperial Household Agency ng Japan na ooperahan sa linggo si Empress Emerita Michiko upang tanggaling ang cancer sa kanyang dibdib.
Nakita sa health check up nito uong July na mayroong tumubong tumorous lump sa mammary gland ng kanyang kaliwang dibdib. Ang diagnosis ay stage one cancer na hindi kumalat sa ibang bahagi ng kanyang katawan.
Ma-aadmitt si Empress Emerita sa University of Tokyo Hospital sa sabado.
Aabutin ng mahigit 4 na oras ang operasyon. Siya ay lalagyan ng general anesthesia.
Maaari ring makalabas ng ospital ang Empress pagka-lipas ng ilang araw.
Mabilis na nangayayat ang 84 anyos na si Empress Emerita dahil sa stress mula sa kanyang busy na schedule na may kaugnayan sa pag-baba sa pwesto ng kanyang asawa na si Emperor Emeritus Akihito.
Nuong katapusan ng Agosto, ang mag-asawa ay nagbakasyon sa isang resort town sa hilagang bahagi ng Tokyo upang makapag-handa sa kanyang operasyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation