Share
Ang temperatura ng summer ay patuloy pa din na mainit at naniniwala ang mga meteorologist na ang mainit na temperatura sa taong ito ay maaaring makapag-delay ng pagpasok ng mga autumn leaves na senyales sa pagsimula ng autumn season sa Japan.
Naniniwala ang mga eksperto na ang Sapporo ang magiging unang lugar na masisilayan ang dahon ng taglagas. Nahuhulaan nila ang pinakamagandang petsa upang tamasahin ang mga dilaw na dahon ng ginkgo ay bandang Nobyembre 6, at para sa mga pula at orange na dahon ng maple sa Nobyembre 7.
Ang mga puno ng maple sa bundok ng Hokkaido ay karaniwang nagiging pula sa paligid ng Oktubre 25, na nangangahulugang ang mga dahon ng taong ito sa prefecture ay made-delay ng 13 na ara kaysa sa dati.
Source: Japan Times
Join the Conversation