TOKYO – Sa papalapit na panahon ng Halloween, binabalaan ng Consumer Affairs Agency ang mga tao na ang mga temporary tattoo, face paint at iba pang mga produkto ay maaaring maging sanhi ng pangangati ng balat.
Nanawagan ang ahensya na mag-ingat sa isang advisory, na sinasabi na ang mga tao ay dapat pumili ng mga produkto na kinabibilangan ng mga produktong aprobado bago gamitin.
Ang Accident Information Databank ng Agency ay naka record na ng anim na mga kaso, ang mga apektado ay nasa mga kabataan hanggang sa mga taong nasa edad 30. Sa dalawang pagkakataon, ang mga gumagamit ay nagdusa ng masamang mga reaksyon na tumagal ng isang buwan upang ganap na gumaling.
Ang databank ay nakatanggap ng mga ulat kasama ang pamamaga na sanhi ng paglalapat ng isang temporary tattoo sa pisngi, isang pantal na kumalat sa buong katawan mula sa mukha pagkatapos gumamit ng face paint, at isang temporary tattoo sticker na hindi matanggal tanggal dahil dumikit na sa impeksyonadong balat at nag-iwan ang isang peklat.
Inimbestigahan ng National Consumer Affairs Center ng Japan ang 11 na temporary tattoo at siyam na mga face-paint na binibenta sa internet. Natagpuan nila na may mga halo itong formaldehyde, na ang paggamit sa mga pampaganda ay ipinagbabawal sa Japan.
Bukod dito, ang kromium ay natagpuan sa dalawang produkto, at kobalt sa siyam. Ang parehong mga sangkap na ito ay kilala upang magkaroon ng reaction sa mga taong may allergy sa metal. Lumilitaw ang mga metal ay mga sangkap sa mga tinta.
Source: NHK World
Join the Conversation