Ang mga kumpanya sa Japan ay busy dahil sa pag-gawa ng mga huling preparasyon para sa pag-taas ng consumption tax na ipatutupad na ipataw sa ilang mga produkto sa ika-1 ng Oktubre.
Magtataas ang rates ng consumption tax na mula 8 porsyento hanggang 10 porsyento sa darating na martes. Sinabi ng pamahalaan na ang hakbang na ito ay kinakailangang gawin upang mapunan ang kakulangan halaga sa social security at mabayaran ang utang sa publiko.
Maraming mamimili ang bumili sa mga tindahan at grocery nitong weekend bago pa mag-taas ang bilihin. Marami ang bumili ng mamahaling mga may tatak na kagamitan at ang iba naman ay stock ng gamit para sa kanilang pamamahay.
Ang levy ay mananatili sa 8 porsyento para sa mga pang araw-araw na pangangailangan tulad ng pagkain at inumin. Ang mga alak at mga pagkain na kinakain sa labas ay mag-tatas ng buwis. Ito ang kaunaunahang pagkakaraong magiging magkaibang presyo ang bawat produkto.
Ang hindi parehas na tax ay nag rerequire sa mga retailers na gumawa ng extrang hakbang. Ilang mga supermarket at restaurant ang pansamantakang mag sasara upang iupdate ang kanilang cash register at iba pang systems.
Ang point-based incentive program ay para pa gaanin ang biglaang pag babago at ipang mai-promote ang cashless transaction. Ang mga mamimili na gumagamit ng credit card o electronic payment method ay magkakaroon sila ng discount para sa susunod na pamimili. Ito ay hanggang Hunyo.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation