SAITAMA- isang 15 anyos na babae na naka-sakay sa bisikleta ang namatay matapos mabundol ng isang truck sa isang intersection sa Kawaguchi, Saitama Prefecture nuong Biyernes. Inaresto naman agad ang 32 anyos na driver sa kasong reckless driving resulting in death.
Ayon sa mga pulis, ang insidente ay nangyari bandang alas-4:30 ng hapon. Si Kimi Miura ay patawid sa crossing nang ito ay mabundol ng truck na papaliko sa kaliwa nang mga oras na iyun. Ang bata ay nagkaroon ng matinding pinsala sa ulo na agad namang dinala sa ospital kung saan ito ay idineklarang wala ng buhay.
Ang driver na si Kotaro Nakazawa ay umamin sa nagawang kasalanan at nag-sabi sa mga pulis na hindi siya naka-tingin nuong siya ay paliko sa intersection na mayroong traffic lights.
Source: Japan Today
Join the Conversation