Ang pamahalaan sa Chiba Prefecture ay nag-aalok ng mga konsultasyon sa telepono na sumusuporta sa 13 lengwahe para sa mga dayuhang residente na nangangailangan ng asaistance matapos sumalanta ang bagyong Faxai.
Ang Chiba International Center ay nag-bibigay ng impormasyon gamit ang simple Japanese, Engkish, Chinese, Korean, Thai, Nepalese, Hindi, Tagalog, Spanish, Portuguese, Vietnamese, Russian at Indonesian.
Ang telephone service ay available sa pagitan ng alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon sa weekdays. Ang numero ay 043-297-2966.
Ang website ng center ay may listahan ng lugar kung saan maaaring makapag-charge ng cellphone. Ang homepage address ay: https://www.mcic.or.jp
Ang Chiba City International Association ay nag-bibigay rin ng impormasyon sa wikang English, Chinese at iba pang mga lengwahe.
Ang homepage address ay: http://www.ccia-chiba.or.jp
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation