Isang 4 na taong gulang na batang babae ang namatay sa isang kaso ng hinihinalang assault case sa Kagoshima Prefecture sa southwestern Japan. Ang bata ay palaging nakikiya na nag-lalakad mag-isa at walang kasama sa kalsada bago pa ito pumanaw.
Si Shun Hiwatashi, kasintahan ng ina ni Riara Otsuka ay inaresto sa suspetsang pananakit at pamamamalo sa ulo ng bata nuong nakaraang linggo. Ang 21 anyos na construction worker ay kasamang naninirahan ng mag-ina sa lungsod ng Izumi.
Si Riara ay dinala sa ospital nuong araw na nangyati ang umano’y pananakit. Sinabi sa mga opisyal ng ospital na ang bata ay nalunod sa bathtub. Kalaunan ito ay idineklarang wala ng buhay.
Ang bata at ang kanyang ina ay dating naninirahan sa ibang lungsod, sa Satsumasendai hanggang Hulyo.
Sabi ng mga opisyal ng lungsod, ang bata ay sinagip nang apat na beses na nakita itong nag-lalakad ng mag-isa sa kalsada ng gabi nuong pagitan ng mga buwan ng Marso at Abril.
Karagdagan dito, ang mga opisyal sa katabing sports facility ang palaging nag-babantay sa bata matapos itong makitang palaboy laboy sa kalsada ng mag-isa nuong Disyembre hanggang Pebrero.
Sinabi pa ng mga ito na minsan ito ay nag-lalakad sa ulan ng walang tsinelas o walang saplot pang-ibaba.
Sinabi naman ng mga opisyal sa lungsod ng Satsumasendai ay wala silang natanggap na impormasyon ukol sa hinalang pang-aabuso sa bata. Sinabi nila na hindi sila nakalakap ng impormasyon dahil sa privacy concerns.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation