TOKYO (TR) –inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang 75 anyos na lalaki dahil pananaksak umano nito sa babaeng ahente ng isang real estate office sa Kodaira City, mula sa ulat ng Sankei Shimbun (Sept. 15).
Bandang alas-11:40 ng umaga nuong linggo, sumugod si Takahiro Kadono sa opisina na may dalang kutsilyo na mayroong 16 inches na sukat ng blade. “Papatayun kita” ani nito nang pasigaw habang sinasaksak nito sa dibdid ang 52 anyos na ginang.
Ayon sa mga taga-Kodaira Police Station ang ginang ay nag-tamo lamang ng light injury mula sa nasabing insidente.
Matapos ang pananaksak, naka-takas ang ginang at nag-tungo sa pinaka malapit na police box. Kinalaunan, dinakip ng mga awtoridad si Kadono at kasalukuyang nahaharap sa kasong attempted murder. Sinabi pa ng suspek sa mga pulis na “Gusto ko siya talaga saksakin.”
Nuong tqong 2017, ang ginang ang naka-talaga upang paalisin si Kadono mula sa isa sa mga apartment na mina-manage ng opisina dahil umano sa reklamo ingay ng mga kapitbahay.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation