NIIGATA- mahigit 390 kg ng premium Koshihikari na bigas ang ninakaw umano mula sa bukid sa Sanjo, Niigata Prefecture, sabi ng mga pulis nuong linggo.
Ang mga nasabing bigas ay kaa-ani lamang at ready na para sa shipment, ang ninakaw umano mula sa storage facility nuong umaga ng Sabado, ayon sa ulat ng Sankei Shimbun. Ang halaga ng mga ninakaw na bigas ay iniestimang aabot ng 390,000 yen, ayon sa mag-sasaka na nag-eedad ng 70 anyos.
Napansin ng mag-sasaka na nawawala ang 13 kaban ng bigas nang siya ay nag-punta sa storage facility bandang alas-5:15 ng umaga nuong sabado. Ang bawat kaban ng bigas ay nag-titimbang ng tinatantyang 30 kgs. Sinabi ng mag-sasaka sa mga pulis hindi niya ini-lock ang pasilidad nuong huling oras na nanduon siya bandang alas-5:30 ng hapon nuong Biyernes.
Source: Japan Today
Join the Conversation