Idineklara na ng mga opisyal ng kalusugan sa Pilipinas ang national epidemic ng Dengue Fever. Ang nasabing karamdaman ay sanhi ng pag-panaw ng halos 600 katao.
Sinabi ng Departamento ng Kalusugan na nakapag-tala ang bansa ng mahigit 146,000 na kaso ng Dengue mula Enero hanggang ika-20 ng Hulyo ngauong taon, kabilang na rito ang pag-panaw ng 622 katao.
Sinabi rin ng mga Health officials na ang mga apektadong lugar ay kinabibilangan ng kapital ng bansa, Manila hanggang timog na bahagi ng bansa. Binalaan rin ang mga tao sa rehiyon na kinabibilangan ng Cebu Island na isang papular na destinasyon ng mga turista.
Ang Dengue ay mula sa mosquito-borne viral infection na maaaring mag-sanhi ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo, at kasu-kasuan. Sa mga malalang kaso ito ay maaaring kumitil ng buhay.
Ang World Health Organization ay nag-sabi na sila ay nakapag-tala ng mataas na bilang ng kaso ng Dengue ngayong taon, lalo na sa mga bansa sa Timog-Silangan ng Asya tulad ng Pilipinas, Vietnam, Malaysia at Singapore.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation