Tokyo– Pinahayag ng Toyota Motor Corp noong Martes na ang kumpanya at ang mga grupo ng automaker ay nagtakda ng isang bagong record para sa global auto sales sa unang anim na buwan ng 2019, sumunod ang Volkswagen AG ng Alemanya.
Sinabi ng Toyota, kabilang ang Daihatsu Motor Co at Hino Motors Ltd, ay nakabenta ng 5,311,806 na sasakyan sa buong mundo mula Enero-Hunyo, mas mataas ng 2.0 porsyento kumpara noong isang taon, na nagtakda ng isang rekord sa ikatlong magkakasunod na taon.
Ang sales record sa ibang bansa ng Toyota sa unang anim na buwan ay tumaas ng 1.5 porsyento sa 4.10 milyong mga unit. Ang domestic sales ay tumaas din ng 3.6 porsyento sa 1.21 milyong mga unit.
Ang Volkswagen, pangalawa na nagunguna na carmaker na 3 taon na sunod sunod ay nakabenta ng 5,365,300 na mga kotse sa unang anim na buwan ng taong ito, bumaba lang ng 2.8 porsyento. Kasama sa resulta ng sales ang mga produktong Audi at Porsche.
Source: Japan Today
Image: Kyodo
Join the Conversation