Suspect ng nag-viral na insidente ng road-rage, arestado

Ang mga pulis sa Japan ay inaresto ang suspect sa road-rage na nasa most wanted list dahil sa pagharang at pilit na pagpapahinto ng sasakyan ng nakaalitan sa kalsada at pagbugbog sa driver nito sa isang highway.  #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: NHK World

Ang mga pulis sa Japan ay inaresto ang suspect sa road-rage na nasa most wanted list dahil sa pagharang at pilit na pagpapahinto ng sasakyan ng nakaalitan sa kalsada at pagbugbog sa driver nito sa isang highway.

Sinabi ng pulisya na inaresto nila si Fumio Miyazaki, na ang address at trabaho ay unknown, noong Linggo sa Osaka, sa kanlurang Japan, sa kasong bodily harm.

Isang buong bansang manhunt ang isinagawa mula nang makuha ng pulisya ang isang warrant para sa pag-aresto sa 43-taong-gulang na si Miyazaki na may kaugnayan sa isang insidente ng road-rage noong Agosto 10 sa Ibaraki Prefecture, sa hilaga ng Tokyo.

Ang mga ulat ay nagsabing ang isang kotse na minamaneho ng isang 24-taong-gulang na lalaki ay pinilit na pinahinto ng isang puting kotse sa Joban Expressway, at isang lalaki na lumabas mula sa puting kotse ang nanuntok sa mukha ng driver ng ilang beses.

Sinabi ng pulisya na nakilala nila ang umaatake bilang si Miyazaki batay sa dashboard camera footage, na nagpapakita ng pag-atake, at iba pang impormasyon.

Sinabi ng mga investigator na ang sasakyan na minamaneho ni Miyazaki ay isang sports utility vehicle mula sa isang foreign maker, na pansamantalang naka-loan noong Hulyo sa isang dealet sa Yokohama, sa timog ng Tokyo.

Sinabi nila na ang parehong kotse ay may mga offense din na ginawa sa Aichi at Shizuoka Prefecture, sa gitnang Japan.

Source: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund