Share
Isang Russian national na babae na umaakyat sa Mt. Fuji ang namatay matapos matamaan ng mga nahuhulog na bato.
Sinabi ng mga pulis at bombero na mayroon silang natanggap na report nuong lunes ng umaga tungkol sa aksidenteng nangyari malapit sa summit.
Natagpuan ng mga rumisponde ang katawan ng 29 anyos na babae at kinumpirma nila ang pag-panaw nito.
Sinabi ng mga pulis na ang babae ay kabilang sa isang grupo ng mga umaakyat ng bundok na gumamit ng hiking trail na nag-sisimula sa Fujiyoshida City sa Prepektura ng Yamanashi.
Isa sa mga miyembro ang nag ulat na may isang babae na nabagsakan sa dibdib ng mga mahuhulog na bato.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation