Ang Japanese maker na NEC ay nag-simula nang subukan ang kanilang lumilipad na sasakyan. Ang kompanya ay nagde-develope ng isang sasakyan upang maibsan ang trapiko sa mga siyudad at mapabuti ang access sa mga liblib na lugar sa bansa.
Ang 4 na metrong haba na flying machine a6 may bigat na 150 kilograms. Ito ay mayroong apat na propellers na pinagagana ng isang electric motor.
Ang pag-testing nito na walang pasahero ay radio controlled. Nakayanan nitong lumipad sa ere na may taas na 3 metro mula sa lupa. Sinusubukang mag-develop ng NEC ng isang flight control system.
Ang kompanya ay nag-lalayon na mai-ready ang mga sasakyan sa taong 2023 para sa pag-test sa paghahakot ng mga bagahe. Pinupuntirya nito ang commercial operation upang mag-transport ng mga tao sa liblib na lugar sa mga susunod na taon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation