Isang insidente ang nangyari habang sinusubukang i-test drive ang isang self-driving car sa Central Japan. Napatunayan na ang sanhi ng insidente ay dahil sa system error.
Ang pag-susuri ay isina-gawa sa isang pang-publikong kalsada sa prepektura ng Aichi sa lungsod ng Toyota nuong lunes.
Hindi hawak ng drayber ang manibela ng sel-driving car na umaandar na may bilis na 14 kph nang ito ay maka-bangga ng sasakyan. Ang self-driving car ay kumanan kahit pa mayroong ibang sasakyang umovertake ng pakanan rin.
Wala namang napinsala sa nasabing insidente.
Ang council na binubuo ng lungsod ng Toyota, Nagoya University at iba pang mga opisyal ang sumang-ayon na ikansela ang isasagawang pag-susuri sa Huwebes, kung saan papayagan nilang ipagamit ito sa ordinaryong mamamayan.
Ang nasabing sasakyan ay mayroong system na makaka-sense ng direksyon ng ibang sasakyan gamit ang isang radar at three-dimentional map.
Sa kasalukuyan, sinisiyasat ng Nagoya University na siyang nag-develope ng system kung bakit ito hindi gumana ng maayos.
Napag-alaman ng mga researcher na nagkaroon ng error ang sistema na magka-maling maikumpara ang datos mula sa radar at mapa, kung kaya’t nagkaroon ng misinterpretation ang direksyon ng sasakyan.
Plano ng unibersidad na gumawa ng isang committee kabilang ang mga eksperto upang mas maimbestigahan ang kaso at naka-gawa ng hakbang upang ito ay hindi na muling maulit.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation