TOKYO- umabot sa 7 katao ang pumanaw dahil sa init ng panahon sa Japan mula nuong Biyernes, kabilang ang isang sanggol na naiwan sa isang kotseng ilang oras na naka-parada sa lungsod ng Toyama, ayon sa mga local officials at mga pulis nuong Sabado. Isang heat wave ang naranasan ng ilang lugar sa bansa na nag-dadala ng temperaturang mahigit 38 degrees celcius.
Sa Ageo, hilaga ng Tokyo, isang matandang lalaki na tinatantiyang nasa 60 taong gulang ang natagpuang naka-handusay at walang malay sa tapat ng kanyang tirahan nuong hapon ng biyernes, ayon sa ulat ng mga lokal na opisyales nuong sabado. Pinaniniwalaang ang matanda ay pumanaw dahil sa tindi ng init ng panahon, ani nila.
Sa prepektura ng Miyagi, isang ginang na nasa 80 anyos ang isinugod sa ospital at kinumpirmang pumanaw nuong umaga ng linggo. Isang miyembro ng pamilya ang tumawag sa emergency call, ayon sa mga rumesponde. Kinumpirma ng ospital na ang pagka-matay ng matanda ay may kinalaman sa init ng panahon.
4 pang katao kabilang ang isang 83 taong ulang na ginang at nasa 90 anyos na lalaki mula sa Tochigi at Nagasaki prefectures ang natagpuang wala ng buhay dahil sa tindi ng init ng panahon, ayon sa lokal na opisyales.
Ayon sa sentrong pamahalaan, mahigit isang dosenang katao na ang pumanaw nuong nakaraang linggo dahil sa tindi ng pag-init ng panahon matapos ang tag-ulan.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation