Marami ang nai-stranded sa isang ospital sa prepektura ng Saga

Mahigit isang daang katao ang naistranded ngayon sa isang ospital sa prepektura ng Saga.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMarami ang nai-stranded sa isang ospital sa prepektura ng Saga

Ang malakas na pag-ulan sa southwestern Japan ang naging dahilan ng pagka-istranded ng mga tao sa isang binahang ospital sa prepektura ng Saga.

Sinabi ng mga opisyal ng prepektura, na ang unang palapag ng Juntendo Hospital sa Omachi Town ay lumubog na sa tubig nitong Miyerkules lamang, subalit ang tubig baha ay humupa rin bandang alas-5: 00 ng umaga nang Huwebes.

Ang tubig baha na naka-palibot sa ospital ay nasa 70 hanggang 80 sentimetro kalalim at ito ang dahilan kung bakit  hindi makadaan ang mga sasakyan.

Idinagdag pa ng mga opisyales na mahigit 215 katao sa ospital nang bahain ang gusali, kabilang sa mga ito ay 110 pasyente kasama rin ang mga medical staff at mga residenteng pasyente na inaalagaan ng pasilidad.

Sabi ng opisyal na may mga pasyenteng nasa kritikal na kondisyon at wala silang plano na ilikas ang mga ito.

Sinabi rin ng mga opisyal na ang naimbak na pagkain sa ospital ay mauubos na sa Huwebes. Umaasa sila na sana maideliver ang pagkain, tubig at iba pang mga kailangang supply bago matapos ang araw.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund