Maaaring mapa-tigil ng parating na bagyo ang mga byahe ng tren

Bilang pag-iingat sa paparating na bagyo, maaaring ipa-tigil ng mga operator ng tren ang mga byahe nito upang maka-iwas sa disgrasya o sakuna.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMaaaring mapa-tigil ng parating na bagyo ang mga byahe ng tren

May posibilidad na pansamantalang ipa-tigil ng mga train operators ang byahe ng kanilang mga tren dahil sa paparating na malakas na bagyong Krosa.

Sinabi ng West Japan Railways o JR West na maaaring suspendihin nila ang byahe ng Sanyo Shinkansen bullet train buong araw ng Huwebes. Ang train ay bumabyahe sa pagitan ng Osaka Station sa Osaka City, at Hakata Station sa Fukuoka City.

Sinabi ng opisyal ng JR West na sila ay mag-aanunsyo bago sumapit ang hapon ng Miyerkules.

Sinabi rin ng Kyushu Railway o JR Kyushu na ika-kansela nila ang serbisyo sa Kagoshima at Miyazaki Prefecture pati na rin ang sa Southern na bahagi ng Oita Prefecture sa gabi ng Miyerkules. Pinapayuhan ng mga opisyal ng JR na i-check ang pinka-latest na impormasyon ng byahe ng mga tren.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund