Naging papular bilang alaga ang mga otters sa bansang Japan. Ngunit ito ay maaaring mabago, kasalukuyang ipinapa-tawag ng mga opisyal ang pag-bawal o pag-papatigil sa pag-benta ng mga nabanggit na hayop.
Inaprubahan ng mga miyembro ng Convention on International Trade in Endangered Species ang pag-ban ng mga proposal na makaka-apekto sa dalawang uri nito, partikular ang Oriental short-clawed otter at Indian smooth-coated otter.
Kabilang ang mga bansa na nag-sumite ng mga proposal ay India, Bangladesh at Nepal. Ang mga nasabing hayop ay hinuhuli at ini-export.
Ang iba ay napupunta sa “Otter Cafes” sa Japan. Duon, ang mga kostumer ay maaaring mahawakan ang mga otter, kuhaan ito ng litrato at i-post sa social media.
Ang pag-ban na isinagawa ng convention ay maaaring maging pormal sa isang pag-pupulong sa Miyerkules.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation